TAMA SPORTS CLINIC CHESS GRADUATION

Naging makabuluhan ang pagtatapos ng TAMA Sports Clinic – Chess Graduation na dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo noong

ika-2 ng Hulyo sa Brgy. Ilaya. Sa seremonyang ginanap, tatlumput walong (38) bata ang nagsipagtapos mula sa chess clinic, kung saan pinarangalan sina Lanz Gabriel Marasigan bilang Champion ng Batch 1 at Marcus Deandrei Cortez bilang Champion ng Batch 2
Pinangunahan ni Coach Nezil Arj Merillas ang pagsasanay sa mga batang chess enthusiasts, na nagpakita ng kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng chess. Sa nasabing aktibidad ay katuwang ni Mayor Morillo ang City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni Mr. Marvin L. Panahon.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Mayor Morillo ang mga bata sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon. Hinikayat din niya ang mga magulang na patuloy na suportahan ang mga interes at talento ng kanilang mga anak sa sports, dahil ito ay nag-aambag sa kanilang kabuuang pag-unlad at tagumpay. Ang pagsasanay na tulad nito ay hindi lamang nagpapalakas ng pisikal na aspeto ng mga bata, kundi pati na rin ng kanilang mental na kakayahan at disiplina.
Ang kaganapang ito ay isang patunay ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa paglinang ng talento at kakayahan ng kabataan sa pamamagitan ng sports development programs.