Sa direktiba ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ, nagkaroon ng pagtitipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng pamayanan ng ๐ก๐ฎ๐ด-๐๐ฏ๐ฎ ๐๐ upang personal nilang mailapit ang mga pangangailangan at katanungan sa Pamahalaang Lungsod, Agosto 30.
Magkakasama namang humarap sa taumbayan sina Mayor Morillo, ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐. ๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ด๐๐๐ฐ๐ถ, ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐๐ ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฝ๐ต ๐๐๐๐ถ๐ผ๐ฐ๐ผ, ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐๐ฎ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐ผ ng ๐๐ถ๐๐ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ถ๐ป ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐, ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐๐ณ๐ณ๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐๐๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ผ ๐ง๐ฒ๐ท๐ฎ๐ฑ๐ฎ, at ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ข๐๐ฐ๐ฎ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ณ๐น๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฎ.
Ilan nga sa mga tinalakay ay ang pagkakaroon ng mga anomalya sa listahan ng mga fisherfolks lalo na ang pagkawala sa listahan ng mga tunay na mangingisda, suliraning kinakaharap ng mga magsasaka โ ang tagtuyot, pagkuha ng mga dokumento para mapabilang sa samahan ng kababaihan, mga benepisyo at karapatan ng mga Senior Citizens at Persons with Disability, at iba pang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod.
Naging bukas din ang talakayan sa mga suhestyon mula sa mga mamamayan โ kung ano ang naiisip nilang interbensiyon, at mga programang pangkabuhayan para sa ikauunlad ng kani-kanilang samahan.
Para kay Mayor Morillo, nararapat lamang na ang mga programa ay angkop at makatutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa kabila ng mga suliranin, mas namutawi ang pagsusulong ng kaalwanan dahil sa kagustuhan na pakinggan ang boses ng Calapeรฑo.