Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Solemn Canonical possession and installation mass of His excellency Most Rev. Moises M. Cuevas, D. D. – Calapan City Official Website

Solemn Canonical possession and installation mass of His excellency Most Rev. Moises M. Cuevas, D. D.

“𝑯𝒂𝒃𝒆𝒎𝒖𝒔 𝑬𝒑𝒊𝒔𝒄𝒐𝒑𝒖𝒎 𝑵𝒐𝒗𝒖𝒎!” (We have a new Bishop)

Nagbunyi ang sambayanang katoliko sa lalawigan ng Oriental Mindoro matapos ang 𝑹𝒊𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑳𝒊𝒕𝒖𝒓𝒈𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑹𝒆𝒄𝒆𝒑𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒅𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒉𝒖𝒓𝒄𝒉 para sa pagtatalaga kay 𝐻𝑖𝑠 𝐸𝑥𝑐𝑒𝑙𝑙𝑒𝑛𝑐𝑦 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗿𝗲𝗻𝗱 𝗠𝗼𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗖𝘂𝗲𝘃𝗮𝘀, 𝗗.𝗗. bilang ika-apat na 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒄 𝑽𝒊𝒄𝒂𝒓 𝒏𝒈 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒄 𝑽𝒊𝒄𝒂𝒓𝒊𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 sa pamamagitan ni 𝐴𝑝𝑜𝑠𝑡𝑜𝑙𝑖𝑐 𝑁𝑢𝑛𝑐𝑖𝑜 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑃ℎ𝑖𝑙𝑖𝑝𝑝𝑖𝑛𝑒𝑠, 𝐻𝑖𝑠 𝐸𝑥𝑐𝑒𝑙𝑙𝑒𝑛𝑐𝑦 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗕𝗿𝗼𝘄𝗻, 𝗗.𝗗. – Installing Prelate, ginanap sa Sto. Niño Cathedral, Calapan City, Setyembre 6, 2020.

Ang makasaysayang kaganapang ito ay sinaksihan ng 34 na Obispo mula sa iba’t ibang syudad at lalawigan sa bansa, ng mga Pari mula sa Zamboanga, Laguna, Batangas at Mindoro, mga Madre, Lingkod-Layko at Mananampalatayang Katoliko.

Kabahagi rin sa pagtatalaga kay Bishop Cuevas ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Oriental Mindoro tulad nina 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 gayundin ang mga kapamilya at kamag-anakan ng Obispo.

Matapos maisakatuparan ang mga itinakdang seremonyas ng solemneng misa para sa pagtatalaga na kinabibilangan ng prusisyon ng mga paring makikipagdiwang, pagsalubong ng mga katutubong Mangyan sa Obispo, pagtanggap sa may pintuan ng katedral, paghaharap ng metropolitan sa rektor ng katedral, paghalik sa krusipiho at pagwiwisik ng banal na tubig, pagbibihis ng Obispo at pambungad na prusisyon.

Sa atas ni Most Rev. Brown ay binasa ni 𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘃. 𝗡𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗱𝗮𝗹𝗶𝗮 ang 𝑳𝒊𝒉𝒂𝒎-𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒌𝒐 mula sa 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼 𝗣𝗮𝗽𝗮 na nagtatalaga kay Most Rev. Moises Cuevas bilang Apostolic Vicar ng Apostolic Vicariate of Calapan.

Sa pag-upo niya sa 𝑪𝒂𝒕𝒉𝒆𝒅𝒓𝒂 (Bishop’s Chair) ay hudyat na ganap nang nailuklok ang bagong Obispo at kaagad sinundan ng pagkalembang ng kampana ng katedral kasabay ng lahat ng iba pang kampana sa mga parokya.

Nagtapos ang gawain ng solemneng pagluluklok sa Obispo sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa sa pangunguna ni Apostolic Vicar Most Reverend Moises Cuevas.

Si 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗿𝗲𝗻𝗱 𝗠𝗼𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗖𝘂𝗲𝘃𝗮𝘀, 𝗗.𝗗. ay ipinanganak noong Nobyembre 25, 1973 sa Cuenca Batangas. Siya ay anak nina Mariano Cuevas at Consolacion Magpantay.

Naordinahan siya bilang Pari (Presbyterial Ordination) noong Disyembre 6, 2000 at naging Obispo (Episcopal Ordination) noong Agosto 24, 2020.

Bago siya naitalaga bilang pang-apat na Obispo ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan ay datihan siyang Titular Bishop ng Maraguia at naging Apostolic Administrator ng Zamboanga.

Ang kanyang episcopal motto “𝑽𝒊𝒓𝒈𝒂 𝑻𝒖𝒂 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒐𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐 𝑴𝒆𝒂”, isang latin phrase sa Psalm XXIII, Verse IV of the Latin Vulgate of the Bible, na ang ibig sabihin ay “𝒀𝒐𝒖𝒓 𝑹𝒐𝒅 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒐𝒍𝒆𝒔 𝒎𝒆”. Ito’y nagpapahayag ng buong tiwala ng Obispo sa Panginoon, “𝑬𝒗𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒖𝒈𝒉 𝑰 𝒘𝒂𝒍𝒌 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒉𝒂𝒅𝒐𝒘 𝒐𝒇 𝒅𝒆𝒂𝒕𝒉, 𝑰 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒇𝒆𝒂𝒓 𝒏𝒐 𝒆𝒗𝒊𝒍, 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒓𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆; 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒓𝒐𝒅 𝒂𝒏𝒅 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒕𝒂𝒇𝒇, 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒐𝒍𝒆 𝒎𝒆”