Inauguration and blessing of the Calapan city EPR-ready plastic circularity center, CCAPI 3rs vehicle and machineries

Bilang bahagi ng 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆 𝗢𝗰𝗲𝗮𝗻𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗹𝗲𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗜𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 o 𝗛𝗢𝗖𝗖𝗜 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁, ininagurahan at binasbasan na ang mga pasilidad at makinarya na ipinagkaloob sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼𝘀, 𝗜𝗻𝗰. ng 𝗨𝗡-𝗛𝗮𝗯𝗶𝘁𝗮𝘁, ika-6 ng Setyembre.

Nakasama ng Pamahalaang Lungsod sa inagurasyon ang UN-Habitat, sa pangunguna nina 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘮𝘦 𝘊𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘳 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗥𝗼𝗹𝗹𝗼 at 𝘏𝘖𝘊𝘊𝘐 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘳 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗩𝗼𝗹𝘁𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗔𝗰𝗼𝘀𝘁𝗮, 𝘋𝘖𝘚𝘛 𝘙𝘦𝘨𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳 𝗝𝗲𝘀𝘀𝗲 𝗣𝗶𝗻𝗲, 𝗠𝘀. 𝗘𝗱𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗿𝗲 ng 𝘋𝘌𝘕𝘙-𝘌𝘔𝘉, 𝗠𝘀. 𝗔𝗹𝗺𝗮 𝗚𝗶𝗯𝗲 ng 𝘋𝘌𝘕𝘙-𝘗𝘌𝘕𝘙𝘖, at 𝘋𝘐𝘓𝘎 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘋𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶. Naroon din sina 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍𝒐𝒓 Jel Magsuci, at 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍𝒐𝒓 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗝𝗿.

Sa pagnanais ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na isulong ang 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, naging isa ang lungsod sa naging partner ng UN-Habitat para sa HOCCI Project na pinopondohan naman ng Japan.

Sa pamamagitan nito, naitatag ang Calapan City Association of Paleros, Inc., pinamunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗹𝗼𝗻 𝗣𝘂𝗱𝗮𝗻, na sinanay sa paggawa ng buri bags at eco-bricks bilang alternatibong pangkabuhayan. Nakapagpatayo na din ng 𝑬𝑷𝑹-𝑹𝒆𝒂𝒅𝒚 𝑷𝒍𝒂𝒔𝒕𝒊𝒄 𝑪𝒊𝒓𝒄𝒖𝒍𝒂𝒓𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 at handog din sa kanila ang truck at mga makinarya para sa paggawa ng eco-bricks at buri bags.

Gayundin, muling pinagkalooban ang CCAPI ng 𝗣𝗛𝗣 𝟳𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬 bilang dagdag sa kanilang pondo para sa sinimulang kabuhayan.

Naging posible ang lahat ng ito sa pamamagitan na din ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀, sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼 at 𝗠𝘀. 𝗕𝗲𝘁𝗵 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 na siyang 𝑯𝑶𝑪𝑪𝑰 𝑭𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏, at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗶𝗲 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮