Socialized Medical Health Care Program, kaagapay ng Calapeño sa panahon ng kagipitan

Batid ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang hirap na dinaranas ng kanyang mga mahihirap kababayan

sa pagkakataon na may nagkakasakit sa miyembro ng pamilya.

Dahil sa kasalatang pinansyal ay napipilitan ang ilan sa kanila na magbenta ng kasangkapan o kaya naman ay mangutang sa porsyentuhan.

Mga bagay na nais tugunan ng Ina ng lungsod, Mayor Malou Morillo, kung kaya naman mas lalo pang pinapaghusay ng kanyang administrasyon ang mga programang pangkalusugan para sa mga Calapeño.

Isa na rito ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗱 na may expanded benefits, maliban sa libreng hospitalization ay sakop na rin nito ang libreng laboratory procedures, ang mga senior citizens na lifetime members ng programa ay may natatanggap na libreng maintenance medicine at kasama rin sa pwedeng maka-avail ng free eye check up at eyeglasses ang mga PWD.

Sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Malou ay nagkaroon na ng psychiatrist na susuri sa mga mentally ill person at libreng maintenance medicine para sa kanila.

Upang tiyaking magagamit ng mga Calapeño ang kanilang prebilihiyo ay tuluy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng health card sa mga barangay sa pangangasiwa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pamumuno ni 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮𝗱𝗮.

Sa Barangay Nag-Iba II, lungsod ng Calapan ay nasa 𝟮𝟬𝟰 na residente ang nakatanggap na ng kanilang health card na personal na ipinagkakaloob ni Mayor Malou kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci at 𝗨𝗦𝗲𝗰. 𝗣𝗲𝗻𝗲𝗹𝗼𝗽𝗲 𝗕𝗲𝗹𝗺𝗼𝗻𝘁𝗲, Barangay Nag-Iba II, Covered Court, Pebrero 6, 2024.

Dito ay ipinahayag ng Punong-lungsod na maliban sa benipisyong hatid ng Health Card ay kanya na ring ibababa ang iba pang programang pangkalusugan sa mga barangay tulad ng 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒄𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚, 𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒂𝒏𝒕𝒊 𝒑𝒏𝒆𝒖𝒎𝒐𝒏𝒊𝒂 𝒗𝒂𝒄𝒄𝒊𝒏𝒆 𝒂𝒕 𝒎𝒐𝒃𝒊𝒍𝒆 𝒙-𝒓𝒂𝒚.

Kanyang binigyang-diin na sa pagkakaloob ng serbisyo at programa para sa taumbayan ay pantay-pantay ang trato sa lahat. Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Nag-Iba II sa pamahalaang lungsod sa pamamagitan ni City Mayor Malou Flores-Morillo na anila’y ramdam nila ang sinserong pagseserbisyo para sa mga katulad nilang maralita at nasa laylayan.