Serbisyong TAMA SAKAlapan: Rice Farmer Financial Assistance, ipinagkaloob sa Calapeños

Nasa 𝟮𝟯𝟯 Calapeño rice farmers ang kabilang sa ikalawang batch na nakatanggap ng 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 o 𝗥𝗙𝗙𝗔 na nagkakahalagang 𝗣𝗛𝗣 𝟱,𝟬𝟬𝟬 nitong ika-18 ng Enero sa Camilmil Gymnasium.

Sa ngayon, hindi pa dumarating ang Intervention Monitoring Card ng ikalawang batch kung kaya’t pansamantala ay “stubs” muna ang kanilang natanggap na dadalhin sa 𝗨𝗦𝗦𝗖 o 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗲𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 upang makuha ang PHP 5,000 cash.

Ang RFFA ay programa ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 na naglalayong mabigyan ng ayuda ang mga rice farmers na mayroong dalawang ektarya pababang lupang sinasakahan.

Ito naman ay ibinababa sa pamahalaang lungsod ng Calapan at sa direktiba ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂-𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay agad na ipinamahagi ang ayuda.

Kasama din ng Punong-Lungsod si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci sa araw ng distribusyon.