Serbisyong TAMA para sa Barangay Malad, Handog ni Mayor Morillo

Serbisyong TAMA para sa Barangay Malad naman ang matagumpay na naisakatuparan ng Pamahalaang

Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, nitong ika-25 ng Marso.

Sa pagtutulungan ng CGC Departments & Offices at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mabilis at maalwang naipagkaloob sa mga residente ng Brgy. Malad ang iba’t ibang serbisyong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Calapeño, sa pamamagitan ng Barangay Caravan.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng Punong lungsod, Mayor Malou Morillo, kasama sina City Councilor, Atty. Jel Magsuci at Calapan City Hermano Mayor, Mr. Orven F. Rabino, gayundin ng CGC Department & Office Heads at Program Managers.