Serbisyong TAMA para sa Barangay Gutad 

Positibo ang naging bungad ng araw para sa mga taga Brgy. Gutad, ito ay dahil sa ibinabang serbisyo publiko para sa Calapeño ng

Pamahalaang Lungsod, Lunes ika-15 ng Abril sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo.

Sa pagnanais ng Ina ng Lungsod na makatulong ng lubos sa taumbayan, lalong higit sa layong paglalapit ng iba’t ibang serbisyo publiko para sa mga Calapeño, patuloy na naisasakatuparan ang Serbisyong TAMA para sa Barangay caravan.

Naging posible at matagumpay ang naturang Barangay Caravan sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng iba’t ibang departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod, gayundin ng iba pang tanggapan at ilan din na National Agencies.

Tunay naman hindi titigil si Mayor Morillo na sa inyo’y kumalinga at magserbisyo.