Paglalapit at pagbababa ng mga serbisyo para sa Calapeño, isa yan sa mga prayoridad ni Mayor Malou Flores-Morillo.
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng Barangay Caravan, daang residente ng Brgy. Calero at ng mga karatig na barangay pa ang napaglingkuran ng pamahalaang lungsod kaagapay ang iba’t ibang tanggapan, departamento at opisina nito, Lunes, ika-5 ng Pebrero.
Tulong medikal, payong ligal, dental services, libreng gamot, libreng bakuna, kalinga para kina lolo at lola, pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabataan hanggang katandaan — ilan lamang ito sa mga naihandog ng naturang caravan na muling pinamahalaan naman nina STP Administrator Joseph Dytioco, na tunay namang ipinagpasalamat ng walang hanggan ng madaming taumbayan na naroroon sa pangunguna ni Kap Randy Ahorro na nakinabang sa mga serbisyong naibaba ng city government.
Personal namang nakadaupang palad at nakamusta ni Mayor Malou at Konsehala Atty. Jel Magsuci ang mga naroroong mamamayan.