Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Round table discussion on the Unified Aftercare Referral/Monitoring System for former persons deprived of liberty – Calapan City Official Website

Round table discussion on the Unified Aftercare Referral/Monitoring System for former persons deprived of liberty

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗿𝗶𝗺𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, naupo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa round table discussion na inorganisa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 – 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗹𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗯𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 nitong ika-21 ng Setyembre.

Dito ay pinaliwanag ni 𝗗𝗶𝗿. 𝗝𝗮𝗻𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗦. 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮, 𝗣𝗵𝗗, 𝗠𝗡𝗦𝗔, 𝗠𝗣𝗦𝗔 — 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿-𝗶𝗻-𝗖𝗵𝗮𝗿𝗴𝗲 𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗝-𝗣𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗩𝗕, ang kanilang isinusulong na 𝑼𝒏𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝑨𝒇𝒕𝒆𝒓𝒄𝒂𝒓𝒆 𝑹𝒆𝒇𝒆𝒓𝒓𝒂𝒍/𝑴𝒐𝒏𝒊𝒕𝒐𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 𝒇𝒐𝒓 𝑭𝒐𝒓𝒎𝒆𝒓 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒔 𝑫𝒆𝒑𝒓𝒊𝒗𝒆𝒅 𝒐𝒇 𝑳𝒊𝒃𝒆𝒓𝒕𝒚. Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa nilalaman ng nakahandang Memorandum of Agreement.

Layunin ng nasabing programa na magkaroon ng isang sistema kung saan matulungan at masubaybayan ang mga PDL na nakalaya na. Kung sakaling maaprubahan ang programa at mailatag ang lahat ng dokumento, ang Lungsod ng Calapan ang magiging kauna-unahang lungsod sa Pilipinas na magkakaroon nito.

Kasama naman ng Punong Lungsod si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, at 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶.