Dinaluhan ng Ina ng Lungsod, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang mahalagang pagpupulong tungkol sa 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗼𝗳 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻, Miyerkules ika-6 ng Disyembre sa SP Conference Room.
Tinalakay sa nasabing pulong ang best practices ng LGU 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴, 𝗕𝗮𝗰𝗼, 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝗼, 𝗦𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗿𝗼 at ng 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.
Naging bahagi rin ng aktibidad na ito ang pagbibigayan nila ng kani-kanilang mga suhestyon, rekomendasyon at ebalwasyon sa ilang mga programa at proyekto na kasalukuyan nilang ipinatutupad.
Ang nasabing bahaginan ng best practices ay lubos na makatutulong anila sa kanilang mga lugar na nasasakupan lalo na kung pangkalahatang kalusugan ng kanilang nasasakupan ang pag-uusapan.
Pinangunahan ang nasabing pulong ng 𝗖𝗛𝗦𝗗 sa pamamahala ni 𝗗𝗿. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 at ng 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 na pinamumunuan naman ni 𝗠𝘀. 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼.
Pinaunlakan at mainit din na sinuportahan ni 𝗠𝘀. 𝗠𝗮. 𝗘𝗶𝗹𝗲𝗲𝗻 𝗕. 𝗕𝗹𝗮𝗻𝗰𝗼, 𝗥𝗡𝗗, 𝗠𝗣𝗔 – 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗡𝗡𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 ang naturang round-table discussion.