Ronald McDonald House Charities Toys Distribution

1,000 TOYS PARA SA MGA CHIKITING, HANDOG NG MCDONALD’S

Paparapapa… love ko ‘to! 🍟

Feel na feel ng mga chikitings ng Barangay Canubing II ang pagmamahal ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng McDonald’s matapos ipamahagi ang 1,000 Happy Meal Toys nitong ika-20 ng Pebrero.

Sa munting regalo, bakas na kaagad ang kagalakan sa mga mata ng mga bata. Kaya naman pasasalamat ang pinaabot ng Ina ng Lungsod sa inisyatibong ito ng McDonald’s.

Ang mga laruang ito ay donasyon ng Ronald McDonald’s House Charities sa Pamahalaang Lungsod — sa direktiba nga ng Punong-lungsod, ang mga ito ay ihahandog sa mga chikitings ng iba’t ibang barangay.