Road concreting ng Camia St., Brgy. Suqui, nagkakahalaga ng halos P1.2 million

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗜𝗔 𝗦𝗧., 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗨𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗣𝟭.𝟮 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡

Maaari nang daanan, kung kaya pinasinayaan na ang bagong gawang kalsada sa Camia St., Barangay Suqui. Ayon sa pahayag ng isang residente — sa mahabang panahon ay naghihintay sila na maipasemento ang kanilang kalsada, kung kaya naman laking tuwa nila nang sa ilang linggo lamang ay naipatapos at ngayon ay maaari nang daanan ang naturang kalye, dahilan kung bakit lubos nilang pinapasalamatan ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.

Kasama ni Mayor Malou na nagpasinaya ng proyekto ang Sangguniang Barangay ng Suqui sa pangunguna ni Barangay Captain Richard San Agustin.