Farm to Market road ng Brgy. Sta. Cruz – Nag-iba II Road

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗧𝗔. 𝗖𝗥𝗨𝗭 – 𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗔 𝗜𝗜 𝗥𝗢𝗔𝗗

Pinasinayaan sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang 1 milyong pisong halaga ng road concreting na mag-uugnay sa Barangay Santa Cruz at Barangay Nag-iba II.

Kung ganap na makukumpleto ang pagpapakonkreto ng nasabing kalsada ay dalawang barangay ang magbebenipisyo dito na parehong agrikultura ang pangunahing pangkabuhayan ng mga residente.

Dahil malapit sa puso ni Mayor Malou ang mga magsasaka ay kanyang binigyang prayoridad ang mga programa at proyektong ikabubuti ng sektor.

Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa pamamagitan ni Barangay Captain Ricardo Deborja sa mga tulong na ipinagkakaloob ni Mayor Malou para sa kanilang barangay.