Ribbon cutting & blessing of tropical heaven’s burger house and resto bar

Dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang pagbubukas at pagbasbas ng 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝘃𝗲𝗻’𝘀 𝗕𝘂𝗿𝗴𝗲𝗿 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗼 𝗕𝗮𝗿 nitong ika-17 ng Setyembre sa Barangay San Antonio.

Ang nasabing resto bar ay pagmamay-ari ni 𝗠𝘀. 𝗔𝗻𝗻𝗮𝗯𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗛. 𝗚𝗲𝗺𝗲𝗹𝗼 at matatagpuan sa Sitio Hillside, Brgy. San Antonio. Samantala, pinangunahan naman ni Pastor Ezer Quezon ang pagbasbas sa mga pasilidad ng resto bar.

Nagpapasalamat naman si Mayor Morillo dahil may mga katulad ni Ms. Gemelo na dumarating sa Calapan upang magtayo ng negosyo dahil sa pamamagitan nito nakakapagbigay ng trabaho sa mga Calapeño.

Naroon nga din si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗰𝗸𝘆 𝗗. 𝗜𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻 ng Puerto Galera at nakilala din ni Mayor Morillo ang ilang miyembro ng 𝗥𝗼𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗹𝘂𝗯 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗦𝗾𝘂𝗮𝗿𝗲.