Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Pamahalaang lungsod ng Calapan, ginunita ang ika-123 na anibersaryo ng Philippine Civil Service – Calapan City Official Website

Pamahalaang lungsod ng Calapan, ginunita ang ika-123 na anibersaryo ng Philippine Civil Service

Masiglang nakibahagi sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 at ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa isinagawang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Sangguniang Panlungsod nitong ika-4 ng Setyembre.

Bahagi ng pagsasagawa ng aktibidad na ito ang paggunita para sa 𝒊𝒌𝒂-123 𝒏𝒂 𝑨𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒊𝒗𝒊𝒍 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆 na nakaangkla sa temang “𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗲𝘅𝘁 𝗗𝗲𝗰𝗮𝗱𝗲: 𝐻𝑜𝑛𝑖𝑛𝑔 𝐴𝑔𝑖𝑙𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐹𝑢𝑡𝑢𝑟𝑒-𝑅𝑒𝑎𝑑𝑦 𝑆𝑒𝑟𝑣𝑎𝑛𝑡-𝐻𝑒𝑟𝑜𝑒𝑠”, kung saan kasabay rin nito ang selebrasyon para sa 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍𝒐𝒓 𝑳𝒆𝒂𝒈𝒖𝒆 (𝑷𝑪𝑳) 𝑾𝒆𝒆𝒌 2023 na may temang “𝑺𝒚𝒏𝒆𝒓𝒈𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒓𝒆𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑷𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒄𝒆𝒔 𝑻𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅𝒔 𝑮𝒍𝒐𝒃𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏”.

Nakiisa rin sa gawaing ito ang mga Department Head, Program Managers, at Office Heads ng City Government of Calapan, at ilan sa mga Konsehal na bumubuo sa 𝟵𝘁𝗵 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱.