Dumalo at nakiisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na pagbubukas at pagsisimula ng
“Palarong Pampaaralan ng Sangay ng Lungsod ng Calapan 2024” na nilahukan ng mga mahuhusay na atletang manlalaro na mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Calapan, ginanap sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS) Grandstand, nitong ika-11 na magpapatuloy hanggang ika-13 ng Abril.
“Ngayong taong ito ay idinaraos natin ang palarong pampaaralan sa temang “Sportmanship and excellence Beyond Sports” kaya ang paalala ko sa ating mga Kabataang atleta, panatilihin Ninyo sa inyong puso at isipan ang dalawang mahalagang bangay-ang disiplina at mabuting asal.” — Mayor Malou F. Morillo
Bahagi rin ng katagumpayan ng nasabing aktibidad sina Ms. Susana M. Bautista (Schools Division Superintendent), Mr. Marites P. Perez (OIC-Assistant Schools Division Superintendent), Mr. Allan L. Paigao (Division Education Program Supervisor, SGOD), Mr. Nimrod F. Bantingue, PhD (Principal IV, OMNHS)
Samantala, dumalo rin sa nasabing gawain sina Acting City Administrator, City Legal Officer Atty. Rey Daniel Acedillo, kasama sina CYSDD Officer, Mr. Marvin L. Panahon, City Education Officer, Ms. Myriam Lorraine D. Olalia, at iba pang mga opisyales.