PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN: FINANCIAL ASSISTANCE – AICS PROJECT SA CALAPAN

Sa inisyatibo ni City Mayor Malou Flores-Morillo, isang makabuluhang hakbang ang ginawa para sa

mga mamamayan ng Calapan. Sa pakikipagtulungan kay Senator JV Ejercito, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) project, naglunsad ng tulong pinansyal sa 333 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱3,000. Ang pondo ay nagmula sa inisyatibo ng pamahalaang nasyonal na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.

Ang pagkakaloob ng tulong pinansyal na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Morillo kasama ang Serbisyong TAMA Center, sa pamumuno ni Mr. Joseph Dytioco, at Barangay Affairs Sectoral Concerns Head, Mr. Jaypee M. Vega, na magbigay ng konkretong aksyon para sa kapakanan ng mga Calapeño.