Pagkilala sa tagumpay: Engr. Danna Maricar A. Tablante, isang huwarang City scholar ng Calapan

Calapan, Oriental Mindoro — Sa isang makabuluhang pagdalaw sa tanggapan ni City Mayor Malou Flore-

Morillo noong ika-3 ng Mayo, 2024, binigyang-pugay ang kahanga-hangang tagumpay ni Engr. Danna Maricar A. Tablante, isang City scholar na kamakailan lamang ay pumasa sa Civil Engineers Licensure Examination (CELE) na ginanap noong ika-20 at 21 ng Abril 2024.

Sa kanyang pagbisita, ipinahayag ni Engr. Tablante ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng “Bridge to the Future Scholarship Program” na nagsilbing tulay at kaagapay niya sa kanyang paglalakbay patungo sa tagumpay.

Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at kahusayan, iginawad ni Mayor Morillo ang prestihiyosong “Medal of Excellence” kay Engr. Tablante. Ang parangal na ito ay sumasalamin sa diwa ng kahusayan at determinasyon na pinahahalagahan ng Lungsod ng Calapan.