Mga kabataang lalaki mula sa tatlong barangay ang naserbisyuhan ng “Operation Libreng Tuli” ng Calapan LGU, ika-9 ng Hulyo, 2024 na ginanap sa Barangay Biga.
Sa direktiba ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo, ipinagpatuloy ang pagsasagawa ng proyektong ito at kamakailan nga ay nilahukan ng mga magpapatuli mula sa Brgy. Comunal, Personas, at Biga.
Sa pamamagitan ng “Expanded Health Program”, sa pangunguna ng City Health and Sanitation Department sa pamumuno ni Dr. Basilisa Llanto, katuwang sina Dr. Von Hidalgo at Nurse Christian Alferez, kasama sina Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy (Volunteer) at iba pang mga health workers sa barangay, matagumpay na naisagawa ang proyektong pangkalusugan ng lungsod ng Calapan.