No registration, No travel policy

Agresibo nang ipatutupad ng Land Transportation Office sa mga susunod na araw ang NO

π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘, 𝗑𝗒 𝗧π—₯π—”π—©π—˜π—Ÿ π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—¬ sa buong lalawigan.

Kaya naman panawagan ng Ina ng Lungsod Mayor Malou Flores-Morillo sa lahat ng delinquent vehicle owners na agarang iparehistro ang inyong mga sasakyan. Ito ay para na rin sa kaligtasan ng bawat motorista at ng maraming taumbayan na araw-araw laman ng lansangan.

Paniniwala ni Mayor Malou at ng LTO β€” ang pagpaparehistro at pagre-renew ng registration ay ang pinaka mabisang paraan upang suriin ang road worthiness ng mga sasakyan. Sa pamamagitan nito, makaiiwas ang sinumang motorista sa aksidente at aberyang pang-lansangan.

Pinaaalalahanan ang lahat ng motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing polisiya para na rin sa kaligtasan ng lahat.