(Assistive Devices Distribution)
Patuloy ang pagtitiyak ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo na ang lahat ng mga PWDs sa ating
lungsod ay walang dapat ipag-alala, dahil walang humpay na aalalay ang kasalukuyang administrasyon sa kanila.
Martes, ika-6 ng Pebrero, mismong ang Ina ng lungsod, kasama sina konsehala Atty. Jel Magsuci at Chief of Staff, Mr. Joseph Umali ang siyang naghatid kay Mr. Hernando Banta, 67 years old, Physically Disabled at residente ng Canubing II ng kanyang bagum-bagong quadcane. Gayundin kay Mr. Wilson Cuyugan, 67 years old, stroke patient at residente mula naman sa Barangay Bucayao ng kanyang bagong pag mamay-aring wheelchair.
Ang mga brand new assistive devices na ngayon ay magiging katuwang sa kaalwanan ng pamumuhay ng ating kababayang PWDs ay resulta ng walang tigil na pakikipagdayalogo ni Mayor Malou sa iba’t ibang ahensya at opisina sa labas ng lalawigan. Katuwang naman ng Alkalde ang PDAO at Serbisyong TAMA Center sa pag-identify kung sino ang mabibiyayaan ng mga ito.
Pagsisiguradong may matiwasay na buhay ang mga mamamayang mayroong kapansanan, upang sa kanilang komunidad na kinabibilangan — di nila maramdaman na sila ay naiiwan.