Nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at
Department of Environment and Natural Resources-EMB Central Office sa pangunguna ni Engineer Jedidiah Mangubat na ginanap sa Calapan City Hall.
Ang isinagawang meeting ay mayroong kaugnayan sa National Validation on Water Quality Management Area, kung saan ito ay nakapokus sa validation para sa compliance ng City Government of Calapan sa lahat ng kondisyon para sa WAQMA, base sa kung nasunod ang mga provision sa 10-year Management Plan.
Kalahok din sa nasabing pagpupulong sina PEMO Ederlita U. Labre (DENR-EMB MIMAROPA), Ms. Maevelyn Kathryn D. Tupasi (Chief, AMTSS), City Environment and Natural Resources Officer, Mr. Wilfredo G. Landicho, at City Engineer, Benjamin L. Acedera, CESE, gayundin ang iba pang mga bisita mula sa DENR-EMB Central Office.