Nag-iba I Farmers Association meeting, dinaluhan ni Mayor Morillo

Dumalo at aktibong nakiisa ang kasalukuyang Hepe ng City Agricultural Services Department na si City Mayor Marilou

Flores-Morillo sa isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Nag-Iba I Farmers Association na ginanap sa Barangay Nag-iba I Covered Court, nitong ika-9 ng Enero.

Dito ay inilahad ng Punong Lungsod ang mga isinusulong niyang plano, programa at proyekto sa agrikultura, kung saan binigyang pansin din niya rito ang mga resolusyong hinggil sa mga pangangailangan ng mga magsasaka na ninanais niyang matugunan, para masuportahan sila.

Ang naturang aktibidad ay matagumpay na idinaos, katuwang sina CALFFA Coordinator, Engr. Jasper B. Adriatico (CASD Focal Person), CASD Technician, Mr. Jeffrey Guiao, Nag-Iba I Farmers Association President, Ms. Evelyn Guiang, at Brgy. Captain, Hon. Hipolito Pontivedra.