Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Mga nagpapalaisdaan sa Calapan, tumanggap ng ayuda – Calapan City Official Website

Mga nagpapalaisdaan sa Calapan, tumanggap ng ayuda

Apat (4) na Fisherfolk Organizations sa Calapan City ang nakatanggap ng libreng fish feeds mula sa 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗾𝘂𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 (BFAR).

Ang 𝑭𝒊𝒔𝒉 𝑭𝒆𝒆𝒅𝒔 𝑻𝒖𝒓𝒏-𝒐𝒗𝒆𝒓 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚 ay pinangasiwaan ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 – 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗕𝗿𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗶𝗮𝗴𝗮, 𝗢𝗜𝗖 𝗣𝗙𝗢 – 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, Setyembre 26, 2023, BFAR Regional Office, Calapan City.

Nasa 𝟭𝟲𝟬 sako ng 𝒎𝒊𝒍𝒌 𝒇𝒊𝒔𝒉 𝒈𝒓𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒇𝒆𝒆𝒅𝒔 ang kabuuang bilang na natanggap ng mga naging benipisyaryo mula sa apat (4) na Fisherfolk Organizations na kanilang tinaggap sa pamamagitan ng kanilang mga pangulo na kinabibilangan nina 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗶𝗱𝗶𝗰𝘁 𝗦𝗶𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 ng 𝗛𝗔𝗬𝗨𝗠𝗔, 𝗠𝗿. 𝗦𝗼𝗻𝗻𝘆 𝗔𝗯𝗼𝗯𝗼𝘁𝗼 ng 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗳𝗼𝗹𝗸 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗠𝗿. 𝗘𝘀𝘁𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥𝗲𝗴𝗮𝗹𝗮 ng 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗠𝗜𝗘 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗳𝗼𝗹𝗸 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗽𝗶𝗹𝗹𝗼 ng 𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗡𝗣.

Ayon kay Provincial Fisheries Officer Brenda Labiaga, ang ginagawa ng BFAR na pamamahagi ng fish feeds ay nakapailalim sa 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 na naglalayong pasiglahin ang mariculture industry na tutugon sa mandato ng kanilang ahensya na matiyak ang 𝒇𝒐𝒐𝒅 𝒔𝒆𝒄𝒖𝒓𝒊𝒕𝒚 at 𝒇𝒊𝒔𝒉 𝒔𝒖𝒇𝒇𝒊𝒄𝒊𝒆𝒏𝒄𝒚 sa bansa.

Bahagi rin umano ito ng pagbibigay halaga sa ating mga mangingisda na may malawak na responsibilidad upang mapanatili ang sapat na suplay ng isda sa mga pamilihan.

Sinabi naman ni 𝗠𝗿. 𝗛𝗮𝗿𝗿𝘆 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮, kinatawan ni 𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗻𝗻𝘆 𝗔𝘀𝗶𝘀, na umaasa ang Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang-tubig na sa pamamagitan ng programang ito katulad noong una ay muling mapapanumbalik ang mataas na produksyon ng bangus at tilapia sa Lungsod ng Calapan. Dagdag pa na nito, na sa kasalukuyan ay tinatayang umaabot sa tatlong (3) tonelada hanggang limang (5) tonelada ng isdang bangus at tilapia ang pumapasok kada araw sa lalawigan mula sa iba’t ibang lugar na katumbas ay milyong piso na lumalabas mula sa Oriental Mindoro.

Lubos namang ipinagpasalamat ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang ayudang ipinagkaloob ng BFAR MIMAROPA para sa kanyang mga kababayan na ang hanapbuhay ay pagpapalaisdaan lalo pa’t isa sa programang tinututukan ng kanyang administrasyon sa ilalim ng 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 ay mapalakas ang 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑬𝒄𝒐𝒏𝒐𝒎𝒚 sa lungsod. Ayon pa sa alkalde mapalad ang apat na samahan ng mga mangingisda sa lungsod sapagkat sa kanila napunta ang 160 bags ng fish feeds na dapat sana ay laan para sa buong probinsya. Ito umano ay bunga ng kasigasigan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at sa tulong ng mga Fisherfolk Association Presidents.

Walang hanggang pasasalamat naman ang ipinapaabot ng bawat samahan ng mangingisda sa BFAR. Ang 40 sako ng pagkain ng bangus na kanilang natanggap ay malaking kabawasan anila sa kanilang gastusin.