Mga lolo at lola, masaya sa libreng gatas na ipinagkaloob ni Mayor Morillo

Feeling blessed ang mga Lolo at Lola natin sa buong Lungsod ng Calapan dahil sa libreng suplay ng gatas na patuloy na tinutupad ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ para sa kanila.

Sa ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ, Calapan City ay may ๐Ÿฏ๐Ÿฑ๐Ÿญ na senior citizens ang nakatanggap muli ng kanilang libreng gatas para sa 2nd at 3rd quarter ng taon. Ang isinagawang pamamahagi ay ginanap sa covered court ng barangay noong Nobyembre 26, 2023, sa tulong ng Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, gayundin ng kanilang mga itinalagang BHW’s.

Samantalang para sa mga senior citizens na may kapansanan, mga bed ridden at iba pang nahihirapang pumunta sa lugar ay isa-isang sinadya ng grupo upang personal na ihatid sa kanilang tahanan ang libreng gatas na bigay sa kanila ng Pamahalaang Lungsod.

Ayon sa ilang senior citizens na nakapanayam ng ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ, kanilang ipinagpapasalamat ang ayudang kanilang natatanggap. Anila, bagaman ito’y maliit na halaga subalit malaking bagay para sa kanila na sila ay pinagmamalasakitan ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni City Mayor Malou Flores-Morillo.

Si Kapitana Doris Corcuera ay nagpahayag din ng kanyang pasasalamat kay Mayor Morillo โ€” sinabi niya na ang Sangguniang Barangay ng San Antonio ay palaging susuporta sa anumang programang ipapatupad ng kasalukuyang administrasyon, lalo na’t kung ito ay para sa ikabubuti ng kanilang mga ka-barangay na nangangailangan.

Tinitiyak ni City Mayor Malou Morillo na ang pamamahagi ng libreng gatas para sa mga senior citizens ay mapapatuloy habang siya ang Ina ng Lungsod dahil hangad niya na tiyaking naalagaan ang kalusugan ng mga Calapeรฑong Senior Citizens.

Ang lahat ng matatanda na residente ng Calapan na nasa edad 60 pataas at kasama sa listahan ng ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ay apat na beses makakatanggap ng libreng gatas sa loob ng isang taon.