Mga bagong sasakyan para sa pagpapanatiling ligtas ng buong kalungsuran

Tunay na walang humpay ang pakikipagdayalogo ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo sa iba’t

ibang indibidwal, opisina at tanggapan sa labas ng Calapan sa pagnanais na mas mapabuti ang estado at kalagayan ng madaming taumbayan.

Kaugnay nito, Lunes, ika-19 ng Pebrero, pormal ng tinanggap ng Calapan City Public Safety Department mula kay Mayor Malou ang mga bagong sasakyan at motorsiklo na naging posible naman sa pakikipag-ugnayan ng Alkalde kay Sen. Emmanuel Joel Jose “Tesdaman” Villanueva.