Isang masaya at makulay na umaga ang naganap kahapon, ika-11 ng Hulyo sa Barangay
Lazareto Reading Center. Dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang isinagawang Arts and Crafts Workshop and Basic Reading Enhancement for Children. Katuwang ni Mayor Morillo sa makabuluhang aktibidad na ito ang City Public Library na pinamumunuan ni Ms. Claire P. Benter, RI, MLIS.
Animnapung (60) estudyanteng may edad anim hanggang labingdalawa ang aktibong nakilahok sa workshop. Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain tulad ng pagbuo ng mga sining at crafts, at mga aktibidad sa pagbabasa, naging makulay at masigla ang umaga ng mga bata.
Ang pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at ng City Public Library ay nagresulta sa isang matagumpay na aktibidad na nagbigay ng ngiti at pag-asa sa mga batang kalahok. Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ni Mayor Morillo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nag-organisa at nakilahok sa event, at nangakong patuloy na susuportahan ang mga ganitong uri ng programa para sa kapakanan ng mga kabataan sa Calapan City.