MAYOR MALOU FLORES-MORILLO, NANGUNA SA PROGRAMANG PAGBIBIGAY NG LUPA SA MGA INFORMAL SETTLERS

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang isang makabuluhang programa na

nagbigay ng 50 square Meter na lupa sa bawat benepisyaryo mula sa Barangay Camilmil at Sto. Nino sa Guinobatan Resettlement Area. Siyam (9) na benepisyaryo mula sa Barangay Camilmil at animnapu’t isa (61) mula sa Barangay Sto. Nino ang nabiyayaan ng nasabing programa. Katuwang ni Mayor Morillo sa layuning ito ang City Housing & Urban Settlements Department na pinamumunuan ni Engr. Redentor A. Reyes Jr.

Bukod sa lupa, binigyan din ang mga benepisyaryo ng P15,000 halaga ng materyales para sa panimula ng kanilang mga bahay. Hinikayat din ni Mayor Morillo ang bayanihan sa pagitan ng mga benepisyaryo upang mas mabilis at maging abot-kaya ang pagpapatayo ng kanilang mga bagong tahanan. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor Morillo ang kanyang magagandang plano at hangarin para sa ikauunlad ng lungsod at ng buhay ng mga Calapeno, na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga mamamayan.