Mandatory training for newly appointed SK officials & Local Youth Development Council members of Calapan City

Sa kalagitnaan ng Mandatory Training for Newly Appointed SK Officials & Local Youth Development Council Members na isinagawa sa Local Government Center Conference Hall, City Hall Complex, Guinobatan Calapan City, Pebrero 3, 2024 ay binisita ni Mayor Malou Flores-Morillo ang mga kabataang opisyales na kalahok dito.

Kanyang binigyang inspirasyon ang mga SK Officials na karamihan ay mga Kalihim at Ingat-Yaman. Ayon sa Punong-lungsod ang pagiging isang lingkod-bayan ay mabigat na responsibilidad subalit ito’y isang malaking karangalan dahil hindi lahat ay nabibigyang ng pagkakataon na humawak ng posisyon at mamuno.

Dito ay inilahad din niya ang mga naging karanasan sa buhay na aniya’y kanyang nagagamit sa pagsasakatuparan ng kanyang katungkulan bilang pinakamataas na opisyal sa lungsod ng Calapan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa nasabing pagsasanay ay ang SK History and Salient Features; Meetings and Resolutions; Planning and Budgeting; Code of Conduct and Ethical Standards.

Ilan sa mga naging resource speakers sa Mandatory Training for Newly Appointed SK Officials & Local Youth Development Council Members ay sina EnP. Ivan Stephen F. Fadri, City Local Government Operations Officer, Mr. Marvin Panahon, City Youth and Sports Development Officer, Ms. Xyrish Joann P. Lopez – Accredited Training Manager – NYC ; Mr. Luis Alfredo Vite (Budget Module), EnP. Dulce Amor E. Lao (Planning Module); at Mr. Von. Hansel C. Geneta (Code of Conduct and Ethical Standards Module).

Ang nasabing programa ay matagumpay na naisakatuparan sa pagtutuwang ng DILG Calapan, City Youth and Sports Development Department at ng SK Federation of Calapan City sa pamumuno ni SK Federation President Hon. Deo Lopez.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791