Maloupet na pagseserbisyo, handog sa Taumbayang Calapeño

Bakit MALOUpet? Dahil paglilingkod nya’y walang humpay at walang pinipili, mayroon pang kalakip na akap na mahigpit!

Patunay dito ang pagpapatuloy ng Expanded Health Program, ika-7 ng Mayo, sa Brgy. Tibag naman bumaba at nagtungo, kasama pa din ang walang pagod na mga indibidwal na nasa likod ng serbisyong pangkalusugan na ito.

Sa pangunguna ng Expanded Health Program Team, muling naghatid ng libreng serbisyong medikal ang Pamahalaang Lungsod na kinabibilangan ng mga sumusunod: libreng Anti-Pneumonia vaccine, HPV vaccine, Dental Health Services, Health Card services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, at madami pang iba.

Malusog na Taumbayan, Produktibong Mamamayan – mas maunlad na luntiang Calapan!