MALOUPET NA HAMPASAN: INTER-COMMMERCIAL VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE

Binuksan at sinimulan sa Lungsod ng Calapan ang

Mayor’s Cup Season 1 MALOUpet na Hampasan: Inter-Commercial Volleyball League Open Conference “Ignite the Passion”, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at Calapan City Volleyball Association, sa pangunguna ni Bip dela Cruz bilang bahagi ng pagdiriwang para sa Kalap Festival 2024, ginanap sa Camilmil Gymnasium, nitong ika-16 ng Marso.

Ang naturang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng Team Parade ng mga kalahok, mula Calapan City Plaza Pavilion, patungong Camilmil Gymnasium, kung saan maglalaban-laban ang walong koponan, para sa Men’s Division, samantalang anim (6) na koponan naman ang magtatagisan ng husay, para sa Women’s Division.

Ang ganitong uri ng makabuluhang aktibidad ay buong pusong sinusuportahan ng Punong Lungsod, Mayor Morillo, sapagkat batid niyang makatutulong ito upang maipamalas ang talento ng bawat isa at mahubog ang kanilang pagkatao, gayundin ang matibay na ugnayan ng bawat isa.