MALOU MORILLO, NANGUNA BILANG TOP PERFORMING MAYOR SA ORIENTAL MINDORO

Ang pamamayagpag ng abot kamay at dekalidad na paglilingkod,

para sa taumbayan ay tunay na napansin at hinangaan, hanggang sa labas ng lungsod, at dahil dito ay nanguna si City Mayor Marilou Flores-Morillo ng Lungsod ng Calapan, bilang isa sa mga “Top Performing Mayor” sa Oriental Mindoro na nakakuha ng 91.7% sa bagong inilabas na official result ng independent at non-commission survey na isinagawa ng Hypothesis Philippines, nitong Marso 2024.

Sinasalamin ng pagiging aktibo, tapat at buong pusong paglilingkod, para sa kapakanan ng mga Calapeño ang pangunguna ng butihing Ina ng Lungsod, City Mayor Marilou Flores-Morillo sa nasabing survey, patunay ito na handa niyang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan, para sa hinahangad na luntian at progresibong Calapan. Isang malugod na pagbati po at pagkilala sa iyong dedikasyon, kasipagan, katapatan, at pagmamahal sa taumbayan ng Lungsod ng Calapan! Mabuhay ka Mayora!