𝟭𝟰𝟴 na mga magsasakang naapektuhan ng drought at wet season ang pinagkalooban ng 𝑪𝒓𝒐𝒑 𝑰𝒏𝒔𝒖𝒓𝒂𝒏𝒄𝒆 mula sa 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗿𝗼𝗽 𝗜𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, sa pamamagitan ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, nitong ika-1 ng Disyembre sa Demo Farm, Brgy. Biga.
Sa kabuuan, umabot sa 𝗣𝗛𝗣 𝟵𝟭𝟮,𝟬𝟮𝟯 ang naipamahagi ng PCIC para lamang sa magsasaka dito sa Lungsod ng Calapan. Ito ay makatutulong upang makabangon muli matapos ang suliranin na kinaharap nila dahil sa panahon.
“𝑯𝒂𝒏𝒈𝒂𝒅 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒏𝒈𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒔𝒂𝒌𝒂,” iyan ang mensahe ni Mayor Morillo. Bilang Ina ng Lungsod, naniniwala siya na dapat lamang unahin ang sektor ng agrikultura dahil ito ang sentro ng ating ekonomiya.
Sa katunayan, naging posible at napabilis ang pagbabahagi ng nasabing insurance dahil na rin sa walang mintis na pakikipag-usap ni Mayor Morillo at ng CASD sa PCIC.