2023 Paskong Calapeño bazaar

Binuksan na sa publiko ang 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗲𝗻̃𝗼 𝗕𝗮𝘇𝗮𝗮𝗿 Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆

𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆, 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗝𝗦 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 at kasama ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 na si 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗛𝘂𝘁𝗮𝗹𝗹𝗮, ika-1 ng Disyembre sa Nuciti Mall.

Ang bazaar ay bukas hanggang Disyembre 3 upang maitampok ang iba’t ibang lokal at gawang-kamay na mga produkto ng Lungsod ng Calapan at maging produkto ng ating mga ka-rehiyon.

Present din sa pagbubukas ng bazaar si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶 at maging si 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗯𝗼.

Bilang isang business woman, isa sa mga hangad ni Mayor Morillo na tulungan ang mga small business owners lalo na ang mga kooperatiba at mga samahan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga ganitong gawain. Gayundin, isa itong daan upang maiangat ang ekonomiya ng Lungsod ng Calapan.