𝗟𝗡𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟯: 𝗚𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝘚𝘗𝘖𝘙𝘛𝘚 & 𝘛𝘈𝘓𝘌𝘕𝘛𝘚 𝘚𝘏𝘖𝘞𝘊𝘈𝘚𝘌
Iba talaga ang Kabataang Calapeño! Matalino, responsable, may pangarap, maka-Diyos at maka-kalikasan. Kanilang pinatunayan sa buong isang linggong pagdiriwang (Agosto 12-18) ng 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 2023 ang pambihirang katangian ng kabataang Calapeño.
Sa diwa ng tema ng selebrasyon, “𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑺𝒌𝒊𝒍𝒍𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑻𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅𝒔 𝒂 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅” ay naging hitik sa mga makabuluhang aktibidad ang katatapos lamang na Linggo ng Kabataan sa pangangasiwa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟𝗼𝗽𝗲𝘇 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 at sa pakikipagtuwang ng 𝗦𝗞 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa pangunguna ni 𝗦𝗞 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼.
Kabilang dito ang pagpapalago ng husay sa sports at talento, abilidad sa pamumuno at entrepreneur, pagmamahal sa kalikasan, pagpapahalaga sa kalusugan at pagtatampok ng talento.
Para sa finale ng selebrasyon ay tinapos ito sa 𝗚𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻: 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 & 𝗧𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗰𝗮𝘀𝗲 na isinagawa sa bahagi ng J.P Rizal Street, Agosto 18, 2023.
Dinagsa ito ng mga aktibong kabataan na nais maging kabahagi sa isa na namang makasaysayang tagpo na matatala sa kapanahunan ng kanilang henerasyon.
Sa unang bahagi ng programa ay bumida ang talento sa larangan ng palakasan, pagsasayaw at pag-awit sa pagtatangahal mula sa iba’t ibang grupo at indibidwal tulad ng 𝗧𝗵𝗲 𝗕𝗲𝗮𝗿 𝗧𝗮𝗲𝗸𝘄𝗼𝗻𝗱𝗼, 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗼 𝗞 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗼, 𝗔𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗧𝗲𝗮𝘁𝗿𝗼, 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗧𝗵𝗲𝗮𝘁𝗿𝗲, 𝗦𝗶𝗺𝗽𝗹𝗲 𝗚𝘂𝘆𝘀, 𝗚𝗮𝘁𝗲 𝗞𝗲𝗲𝗽𝗲𝗿𝘀 𝗖𝗿𝗲𝘄, 𝗕𝗮𝗶𝗹𝗲 𝗙𝘂𝗲𝗴𝗼, 𝗞𝗲𝗻 𝗔𝗴𝘂𝗶𝗹𝗮𝗿 mula sa 𝗢𝗠𝗡𝗛𝗦, 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗔𝗴𝘂𝗶𝗹𝗮𝗿 at 𝗔𝗽𝗽𝗹𝗲 𝗔𝗻𝗻𝗲 𝗔𝘆𝗼𝗻𝗴 mula naman sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.
Sa ikalawang bahagi ay ang pagbibigay naman ng parangal sa mga kabataang nagdala ng karangalan sa Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng pagwawagi sa pang-rehiyon at pang-nasyunal na lebel ng palakasan na pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 katuwang sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼, 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗢 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 at 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗶𝗴𝗮𝗼.
𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗧𝗥𝗔𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗜𝗘𝗟𝗗 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗘𝗦
𝗥𝗼𝗺𝗲𝗹𝗼 𝗥𝘂𝗯𝗶𝗰𝗼
2023 MILO Marathon LEG 2 – TOp 20 (5km Run)
Batangas Global Marathon Finisher (30km)
Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics
Gold Medalist (Long Jump)
Gold Medalist (Triple Jump)
𝗟𝗮𝘄𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗚. 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇
2023 MILO Marathon LEG 2 – 8th Placer (5km)
Batangas Global Marathon – 8th Placer (30km)
𝗔𝗿𝗻𝗼𝗹𝗱 𝗔𝘀𝗶𝘀
MILO Marathon LEG 2 – 2nd Placer
Batangas Global Marathon – Top 5 (30km)
𝗜𝗴𝗶𝗯𝗼𝘆 𝗦. 𝗖𝘂𝗮𝗹
Batangas Global Marathon – Top 15 (30km)
𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗧𝗥𝗜𝗔𝗧𝗛𝗟𝗢𝗡 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗘
𝗡𝗮𝗼𝗺𝗶 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝘁𝘆 𝗣. 𝗔𝘆𝘁𝗶𝗻
Kids Aquathlon Overall Champion
SBR Aquaman Aquathlon by Go for Gold – 3rd Place
Regional Private Schools Athletic Association – Most Outstanding Player
𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗠𝗘𝗗𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦
𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰 𝗕. 𝗔𝗯𝗼𝗿𝗱𝗼
Wushu (52kg) Secondary Boys – Champion
𝗝𝗮𝘆𝘃𝗲𝗻 𝗔𝗿𝗺𝗶𝗻 𝗔. 𝗕𝗮𝗿𝗲𝗻
Wushu (49kg) Secondary Boys – 2nd Place
𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝗮 𝗟𝗼𝘂𝗶𝘀𝗲 𝗔𝗰𝘂𝘇𝗮𝗿
Table Tennis (Singles) Elementary Girls – 2nd Place
Aedrielle Ainice S. Millera
Taekwondo (Team Poomsae) Secondary Girls – 3rd Place
𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗠𝗔𝗡𝗡𝗬 𝗣𝗔𝗖𝗤𝗨𝗜𝗔𝗢’𝗦 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗥𝗟𝗜𝗞𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗘𝗦
𝗔𝗱𝗿𝗼𝗻 𝗖𝗵𝘂𝗮 𝗔𝗯𝗮𝗰
14 under category
𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗼 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗗𝘂𝗲𝗻̃𝗮𝘀
14 under category
𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴
18 under category
𝗞𝘂𝗿𝘁 𝗥𝘂𝘀𝘀𝗲𝗹𝗹 𝗕𝗮𝗿𝗾𝘂𝗲𝘇
18 under category
𝗝𝘂𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗗𝘂𝗲𝗻̃𝗮𝘀
18 under category
𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗝𝗘𝗧 𝗦𝗞𝗜 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗕𝗜𝗖 𝗕𝗔𝗬 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗭𝗢𝗡𝗘, 𝗭𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟𝗘𝗦
𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼
1st Place
𝗝𝗮𝘃𝗶 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼
2nd Place
𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗠
Mikhael Rovin Panahon
Renel Gonzales Earl John Laurence Librada
Joshua Camarillo
Herbert Santiago
Piolo Dalisay
Sebastian Nicolas Rocio
John Lloyd Balmes
John Michael Evangelista
Ralph Steven Lagundino
Don Angelo Tolentino
Don Marc Abao
Nichole Andre Maulion
Carl Zedric Delos Reyes
Mas pinatingkad ang Gabi ng Kabataan dahil sa live performances ng mga sikat na banda mula sa Calapan City na kinabibilangan ng 𝗜𝘇𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗻𝗱, 𝗛𝗼𝗼𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗱, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗮 at 𝗕𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗱𝗵𝗮𝗺.
Mababakas sa mukha ng mga kabataan ang ibayong kasiyahan sa bawat panuorin na kanilang nasaksihan. Patunay lamang ito na pagdating sa talento at abilidad ay hindi magpapaiwan ang Kabataang Calapeño.
Sa mensahe mula kay Mayor Malou ay kanyang binati ng masayang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ang mga itinuturing niyang mga anak na kabataan. Aniya pa, sa pamamagitan ng ganitong okasyon ay higit na lumulutang ang esensya ng pagbubuklod ng mga kabataan upang maging mas progresibo at produktibong kabataan. Kanyang kinilala ang pagsisikap ng SK Calapan City at ng City Youth and Sports Development Department upang matagumpay na maisakatuparan ang mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan na aniya’y umani ng positibong reaksyon sa taumbayan. Kanyang ipinangako na habang siya ang Ina ng Lungsod ay magpapatuloy ang mga programang magsusulong ng kagalingan ng sektor ng kabataan.
Sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗴𝘂𝗮 ay nakiisa din sa kasiyahan.
Maliban sa naguumapaw na mga pagtatanghal ng husay sa sports at talento sa Gabi ng Kabataan ay nabusog din ang mga manunuod sa mga samu’t saring pagkain na itinitinda sa 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑴𝒂𝒓𝒌𝒆𝒕.