Sa mga nagmamahalan, umiibig at romantiko, mahalaga ang ika-14 ng Pebrero.
Pagbibigay ng bulaklak, tsokolate, stuffed toys, greeting cards at mga hugis pusong regalo — tradisyon na yan sa tuwing darating ang Araw ng mga Puso.
Kaya naman ang mga city government employees at city collegians (CCC) di rin nagpahuli.
Konting salu-salo, palamuting puso, kantahan ng malalambing na musiko — oh diba kumpleto!
Talaga nga naman, basta Valentine’s Day ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang taumbayan.
Bongga o simple man ang regalo o pagdiriwang, ang mahalaga — ang iyong minamahal ay mapasaya.
Pagmamahal ay ipadama, sa mga tropa, ka-opisina, magulang, anak, kapatid, kaibigan, hindi lamang sa iyong kasintahan.