LILAC sa kanilang ika-dalawang taon

Sa temang “๐‘ฌ๐’—๐’†๐’“๐’š๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’” ๐‘ฉ๐’†๐’•๐’•๐’†๐’“ ๐‘พ๐’‰๐’†๐’ ๐‘พ๐’† ๐‘จ๐’“๐’† ๐‘ป๐’๐’ˆ๐’†๐’•๐’‰๐’†๐’“” ay ginawang payak ngunit makahulugang ipinagdiwang ng ๐—Ÿ๐—œ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ด๐—ฏ๐˜๐—พ๐—ถ๐—ฎ+ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† (Lilac Calapan) ang kanilang ika-dalawang taon ng pagkakatatag, September 30, 2023, Afra’s Bar.

Salat man sa pondo pero hindi naging hadlang ito upang maipakita na nananatiling buo at matibay ang samahan ng ๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—– na nabuo kasabay ng pag-usbong ng pangarap ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ na paglingkuran ang taumbayan ng Calapan.

Pangunahing layunin ng samahan na mabigyang proteksyon ang karapatan ng bawat kasapi, maiangat ang antas ng pamumuhay at maging katuwang ng Pamahalaan Lungsod sa pagpapaunlad ng ating bayan. Mababakas sa mukha ng mga miyembro ng LILAC ang kagalakan na muling magkasama-sama sa isang gabi ng kasiyahan at kamustahan.

Sa makasaysayang okasyon ay dumalo ang mga halal na opisyales ng organisasyon na kinabibilangan nina:

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜: Cleo Aquino

๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜: Andrian Actas

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†: Kiel Abraham Generato

๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ: Jorgel Maranan

๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Rommel Sanchez

Kumpleto rin ang kanilang ๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ผ๐—ณ ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ na sina:

Jojo Barrientos

Rhenejim Jhun Dela Cruz

Mark Vener Zamora

Aristeo Ahorro

Ngayong taon, dalawa sa mga kasapi ng samahan ang ginawaran ng parangal, sila ay sina: ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ผ ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ para sa ‘๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’† ๐‘ฌ๐’™๐’„๐’†๐’๐’๐’†๐’๐’„๐’† ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’…’ at ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฎ bilang ‘๐‘ด๐’๐’”๐’• ๐‘จ๐’„๐’•๐’Š๐’—๐’† ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ช ๐‘ด๐’†๐’Ž๐’ƒ๐’†๐’“’.

Naging laman ng mensahe ni President Cleo ay kanyang ginunita ang mga panahon na kung saan ay pinagsisikapang buuin pa lamang ang LILAC, gayundin ang nakalipas na dalawang taon ng pagtataguyod ng kapakanan ng kanilang mga miyembro at taga-suporta. Umaasa siya na magpapatuloy ang legasiyang sinimulan ng samahan.

Dahil likas sa mga LGBTQIA+ ang pagiging kuwela at malikhain ay nagkaroon sila ng ‘๐‘บ๐’–๐’“๐’‘๐’“๐’Š๐’”๐’† ๐‘ด๐’Š๐’”๐’” ๐‘ฎ๐’‚๐’š ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’†๐’‚๐’๐’•’ na lalong nagpatingkad sa gabi ng selebrasyon.

Naging panauhin sa 2nd Founding Anniversary ng LILAC sina City Councilor Hon. Rius Agua at Hon. Ricka Goco.

Si City Mayor Malou Flores-Morillo bagamat hindi nakadalo sa nasabing okasyon dahil sa equally important na lakad ay nananatiling buo ang pagsuporta sa adhikain ng LILAC.