Patuloy na kalinga at malasakit sa simula ng panibagong taon, iyan ang handog na regalo ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci para sa 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗼𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗖𝗩𝗛𝗦), Barangay Masipit, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng 𝑭𝒓𝒆𝒆 𝑽𝒂𝒄𝒄𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 ng 𝑨𝒏𝒕𝒊 𝑷𝒏𝒆𝒖𝒎𝒐𝒏𝒊𝒂, nitong ika-5 ng Enero.
Batid ng Punong Lungsod, Mayor Morillo at Konsehal Magsuci kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagganap sa kanilang tungkulin, kaya naman sa kagustuhan ng Ina ng Lungsod na proteksyunan at pangalagaan ang kanilang kalusugan, ipinagkaloob niya sa kanila ang programa, para sa libreng bakuna.
Matagumpay na naibaba ang nasabing proyekto na binuo ni Mayor Malou Morillo sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, na naisakatuparan sa tulong nina 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗥𝗡 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲), 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 (𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 & 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀) at 𝗠𝘀. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 ‘𝗜𝗦𝗔𝗬’ 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗦𝘆 (𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿).
Lubos namang nagpapasalamat si 𝗖𝗩𝗛𝗦 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗗𝗲𝗹𝗶𝗮 𝗟. 𝗘𝗻𝗿𝗶𝗾𝘂𝗲𝘇 at ang buong pamunuan ng naturang paaralan sa inihandog na tulong ng Ina ng Lungsod, gayundin sa suportang ibinibigay nito, para sa kanilang mga proyektong ninanais na mabigyang katuparan.