Calapan City Federation of Farmers Association (CALFFA) – Brgy. Camansihan

Matapos ang matagumpay na pagpupulong na isinagawa ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗔𝗟𝗙𝗙𝗔) sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sinikap ng Punong Lungsod at ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci na dumalo rin sa isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗻𝘀𝗶𝗵𝗮𝗻 nitong ika-5 ng Enero.

Dito ay ipinahayag ng Ina ng Lungsod sa mga Calapeñong magsasaka ang mga programa at proyekto na patuloy niyang isinusulong para sa ikabubuti ng mga ito, gayundin ang tungkol sa mga mahahalagang usapin at suliraning kinakailangang pagtuunan ng pansin at solusyunan.

Naging katuwang ni Mayor Morillo na kasalukuyang humahawak sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sina 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗼 (𝗖𝗔𝗟𝗙𝗙𝗔 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗻𝘀𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁) at 𝗖𝗔𝗟𝗙𝗙𝗔 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗮𝘀𝗽𝗲𝗿 𝗕. 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻) para sa pakikipag-usap sa mga magsasaka ng Camansihan.