Libreng Anti Pneumonia vaccine, handog ni Mayor Malou sa Brgy. Gulod

Patuloy na nililibot ng team ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang lungsod ng Calapan upang

magbigay ng libreng Pneumococcal Vaccine at maintenance medicine nitong ika-23 ng Enero, ito ay nakarating sa Barangay Gulod kung saan mga Senior Citizens at Persons with Disability ang naging benepisyaryo.

Pinangasiwaan ang pagbabakuna nina Dr. Von Hidalgo at Nurse Christian Alferez ng City Health and Sanitation Department. Naroon din si Mr. Jaypee Vega, Head of Barangay Affairs and Sectoral Concerns, mga kawani ng Serbisyong TAMA Center at ang nakababatang kapatid ni Mayor Malou na si Ms. Charissa Flores-Sy.