Inilunsad na sa lungsod ng Calapan ang panibagong inobasyon ng Landbank of the Philippines na
LANDBANKasama Program nitong ika-18 ng Enero sa opisina ng Golden Jatee Lending Corporation.
Napakita naman ng suporta sa naturang programa si City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Councilor, Atty. Jel Magsuci. Gayundin, dumalo sa kick-off activity sina Governor Bonz Dolor, Baco Municipal Mayor Allan Roldan, at DSWD Provincial Link Maridel Rodriguez.
Naitatag ang LANDBANKasama Program dahil sa pagnanais ng Landbank na mapalawak ang financial inclusion sa bansa β mapadali at mapabilis ang transaksyon lalo na sa mga malayo at liblib na komunidad o ang tinatawag na πΊππππππβππππππ¦ πΌπ ππππ‘ππ πππ π·ππ πππ£πππ‘ππππ π΄ππππ (πΊπΌπ·π΄π).
Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang bumyahe ng malayo o matungo pa mismo sa banko dahil magiging katuwang ng Landbank ang ilang mga kooperatiba, asosasyon, rural banks, lokal na pamahalaan, micro, small and medium enterprises (MSMEs), at iba pang pribadong entidad na maaaring puntahan para sa cash withdrawal, cash deposit, fund transfer, bills payment, at balance inquiry.
Pinangunahan naman ang gawain nina Ms. Adeline M. Ramos (Southwest Luzon Branches Group Hea, Vice President), Mr. Edwin Roel S. Ramos (Oriental Mindoro Lending Center, Asst. Vice President), at Department Managers na sina Mr. Ferdinand E. Abas, Ms. Lizza Mae F. Camposano, Lolita V. Apostol, at Megan Marie Kyle M. Macaguiwa.