Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Councilor, Atty. Jel Magsuci ang isinagawang distribusyon ng
mga food pack na handog ng Pamahalaang Lungsod at ng Alkalde, para sa nasa kabuuang 100 fisherfolks ng Barangay Wawa, ginanap nitong ika-9 ng Enero.
Dito ay ipinabatid ni Mayor Morillo ang kanyang mga planong ninanais niyang maisakatuparan, para sa mga residente ng nasabing barangay, upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga mamamayan ng Brgy. Wawa sa suportang tulong at pagkandili ng butihing Ina ng Lungsod, para sa kapakanan ng mga katulad nilang nabibilang sa sektor ng mangingisda.
Ang naturang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangangasiwa at pagtutulungan ng Serbisyong TAMA Center, sa pamumuno ni STP Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, Community Affairs Office, sa pamamahala ni CAO Supervising Head, Mr. Avelino P. Tejada, at Fisheries Management Office, sa pangunguna ni Mr. Clark Baustista, bilang kinatawan ni OIC, FMO, Mr. Robin Clement M. Villas, kasama rin ang Sangguniang Barangay ng Wawa sa pangunguna ni Kap. Maricris Alcuran.