Dahil kabilang sa mga coastal barangay ng lungsod ang Barangay Suqui ay isang akmang livelihood program ang sa kanila ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod.
Sa ilalim ng 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 (𝗠.𝗔.𝗟.𝗢.𝗨.) 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na pinapangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ay isinagawa sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶 ang 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗻 𝗙𝗶𝘀𝗵 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴, Nobyembre 24, 2023.
Dito ay may 20 mga kababaihan na kasapi ng 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒂𝒏 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑬𝒌𝒐𝒏𝒐𝒎𝒊𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂 (𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔) na residente ng Barangay Suqui ang naging benipisyaryo ng programa.
Sa pag-alalay ng CTID at pamamatnubay ni 𝗠𝘀. 𝗥𝗲𝘆𝗰𝘆𝗹 𝗝𝗼𝗶𝗲 𝗕𝗼𝗾𝘂𝗶𝗼, 𝑻𝑬𝑺𝑫𝑨 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒆𝒓 ay tinuruan ang mga partisipante na gumawa ng mga produktong gawa sa isda tulad ng fish embutido, fish patty at tuyo gormet.
Matibay ang paniniwala ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na sa pamamagitan ng ganitong uri ng programa ay magiging produktibo ang sektor ng kababaihan. Layunin umano ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga ilaw ng tahanan na kumita habang nasa kanilang mga tahanan.
Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Mayor Malou Flores-Morillo ay palaging nagsusulong ng kagalingan ng bawat sektor partikular para sa mas higit na nangangailangan ng kalinga ng gobyerno.
Ayon kay CTID Officer EnP. Amormio CJS Benter, ang naturang programa aniya ay mabilis na tugon ng Pamahalaang Lungsod sa kahilingan ng pamunuan ng Barangay Suqui na mabigyan ng tulong-pangkabuhayan ang kanilang mga residente.
Hinikayat din niya ang mga benipisyaryo na gawing matagumpay na entrepreneur ang simpleng livelihood training na ibinigay sa kanila. Nakahanda rin umano ang CTID na umalalay sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical support at marketing support upang tiyak na lumago ang kanilang napiling negosyo.
Bilang kinatawan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ay dumalo sa araw ng pagtatapos ng pagsasanay si 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶 upang ipaabot ang kanyang pagsuporta sa kababaihan ng Barangay Suqui. Payo ng opisyal sa samahan na sikaping gawing maganda ang kanilang produkto upang tangkilikin ito ng mga konsyumer. Importante rin aniya na maging maayos ang kanilang organisasyon dahil isa ito sa susi tungo sa ikatatagumpay ng kanilang negosyo.
Inihahanda na umano ng Pamahalaang Lungsod ang mga plano sa pagsasagawa ng trade fairs upang maipakilala sa merkado ang kanilang gawang produkto. Ipanaabot ni 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗰𝗲𝗹 𝗗𝗲 𝗢𝗰𝗮𝗺𝗽𝗼, 𝑺𝒖𝒒𝒖𝒊 𝑲𝑨𝑳𝑨𝑷𝑬𝑵𝒀𝑨 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 ang pasasalamat ng kanilang mga miyembro kay Mayor Malou at sa City Government, kaakibat ng kanilang taus-pusong pasasalamat ay ang kanilang pangako na sisikaping pagyamanin ang panimulang puhanan na ipinagkaloob sa kanila.
Maliban sa pagsasanay sa fish processing ay tinaggap na rin ng grupo ng KALAPENYA ang startup kit na kinapapalooban ng assorted kitchen tools, utensils at ingredients na ang halaga ay nasa 𝗣𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Naging matagumpay ang pagpapatupad ng nasabing programa sa pagtutuwang ng mga kawani ng City Trade and Industry at nina 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮, 𝑯𝒆𝒂𝒅 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔 at 𝗠𝘀. 𝗣𝗮𝘇 𝗚𝘂𝘁𝗶𝗲𝗿𝗿𝗲𝘇, 𝑲𝑨𝑳𝑨𝑷𝑬𝑵𝒀𝑨 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒐𝒓.