Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sama-samang dumalo at nakiisa ang
mga lingkod-bayan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa idinaos na Kalap Festival 2024: Opening Salvo Holy Mass sa Sto. Niño Cathedral, nitong ika-16 ng Marso.
Ang gawaing ito ay hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang, para sa ika-26 na anibersaryo ng pagiging ganap na Lungsod ng Calapan, kung saan nakapaloob dito ang iba’t ibang mga kapanapanabik na aktibidad.
Bilang pagdulog at paghingi ng gabay mula sa Panginoon, inumpisahan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Lito Abella, Parochial Vicar, na nilahukan ng mga Department & Office Head, Program Managers at kawani ng Pamahalaang Lungsod, kasama si Acting City Administrator, City Legal Officer, Atty. Rey Daniel Acedillo, kung saan kaisa rin dito ang mga Konsehal at kawani ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Rommel ‘Bim’ Ignacio.
“Sa atin pong pagdiriwang ngayong taong ito, nagpapasalamat po tayo sa Poong Maykapal na siyang patuloy na gumagabay sa atin at nagbibigay ng kasaganahan sa isa’t isa.”- Mayor Marilou Flores-Morillo
Dagdag pa rito, sinabi rin ng Punong-Lungsod ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa aral na hatid ng kasaysayan ng Calapan na malaking bahagi ng ating buhay na pinanday ng mga mamamayan nito, kaya naman nagpapasalamat siya sa lahat ng mga namumunong nagsisilbi, para sa kapakanan ng taumbayan, gayundin ay nagpapasalamat siya sa bawat indibidwal na tumutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng lungsod, patungo sa tamang direksyon.