KALAKALAPAN TRADE FAIR 2024, BUKAS NA SA PUBLIKO

Tangkilikin ang sariling atin, ’ta dine mangalap sa Kalakalapan Trade Fair!

Pinasinayaan na nina City Mayor Marilou Flores-Morillo, City Trade and Industry Department na pinamumunuan ni EnP. Amormio CJS Benter ang Kalakalapan Trade Fair 2024 sa XentroMall Calapan nitong ika-18 ng Marso.

Dito ay tampok ang 25 businesses na may ang iba’t ibang local products — mga pagkain, inumin, pampasalubong, handicrafts at artworks.

Layon ng gawaing ito na i-promote ang mga produktong gawa mismo ng mga Calapeño at maging ng iba pang mamamayan sa Oriental Mindoro.

Naging katuwang naman ng Pamahalaang Lungsod ang Department of Trade and Industry, sa pangunguna ni Provincial Director Arnel Hutalla, ang XentroMall, at Bingo Plus.

Nagbigay-saya naman sa madla ang mga Social Media Influencers na sina Sandra Larsson, Madson, Lance Edward, at ang PPOP 3HSome-JD Axie, Ferdie Francisco, at Vincent Caringal.

Nakiisa din sa trade fair ang ilang Department Heads sa pangunguna ni Acting City Administrator at City Legal Officer, Atty. Rey Acedillo. Ang Kalakalapan Trade Fair ay bahagi ng pagdiriwang ng Kalap Festival 2024 at magiging bukas sa publiko mula Marso 18 hanggang Marso 20, 2024.