Kalakalapan Photo Competition

Matagumpay na naisakatuparan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang “Kalakalapan Photo Competition”, bilang bahagi ng pagdaraos ng “10th

Kalakalapan Trade Fair 2024″ na pinangasiwaang aktibidad ng City Trade and Industry Department, sa pamumuno ni CTID Officer, EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter, CESE nitong Marso.

Tumanggap ng kabuuang P6,500.00 ang itinanghal na kampiyon sa naturang patimpalak na si Mr. Arden C. Pimentel na nakasungkit din ng ikaapat na pwesto, samantalang P4,000.00 naman ang nakuha ng pumangalawang si Mr. Dax Airon Sajul.

P3,000.00 naman ang ipinagkaloob para kay Mr. Philip Andrei B. Embalsado na nasa ikatatlong pwesto at P500.00 naman ang ibinigay para sa 5th Placer na si Mr. Sherwin S. Santos.

Samantala, naging bahagi rin ng katagumpayan ng naturang kompetisyon ang mga inimbitahang hurado na sina CIO Supervising Head, Mr. Baron R. Venturina, Mr. Hector Viola Ramos Jr.,(Owner-Shutterpix Film & Photography), at Mr. Ghilbert Martinez (Owner, Photography & Business Counselor-Thumbnail Studio.