Binisita nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, at 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶 ang grupo ng mga kababaihang mula sa Bayanan II, Comunal, at Puting Tubig na benepisyaryo ng “𝑲𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒂 𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒏 𝑴𝒆𝒂𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒄𝒆𝒔𝒔𝒊𝒏𝒈” na bahagi ng livelihood project na handog at pinondohan ni Mayor Morillo para sa mga Calapeño, ginanap sa Comunal covered court, nitong ika-4 ng Setyembre.
Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna nina 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 (𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 | 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀) at 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗣𝗮𝘇 𝗕. 𝗚𝘂𝘁𝗶𝗲𝗿𝗿𝗲𝘇 (𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗲𝗻̃𝗮 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀) katuwang ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.
Binigyang daan sa livelihood training na ito ang pagsasanay sa paglikha at pagluluto ng Pork Embotido, Pork Tocino, Chicken Longganisa, at Beef Tapa.
“𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒉𝒖𝒍𝒊, 𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒅𝒊𝒓𝒆-𝒅𝒊𝒓𝒆𝒕𝒔𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐.” — Mayor Marilou F. Morillo
Naniniwala si Konsehala Jel Magsuci na malaking tulong ang training na ito para sa mga huwarang ina na masigasig na nagtataguyod ng kanilang pamilya, at dito ay hinikayat din niya ang mga ito na patuloy na mahalin at suportahan ang butihing Ina ng Lungsod.
Samantala, bumisita rin sa nasabing gawaing ito sina 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, kasama ang mga 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍𝒐𝒓 na sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗲𝗲 𝗘. 𝗟𝗲𝗮𝗰𝗵𝗼𝗻, 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗖. 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗟. 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻, at 𝗛𝗼𝗻. 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 ‘𝗝𝘂𝗻’ 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗶𝗹𝗼, 𝗝𝗿.