Bagong Obispo ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan, Dumating Na!

Matapos ang mahigit limang taon ng paghihintay ay dumating na rin sa wakas ang bagong ๐‘ถ๐’ƒ๐’Š๐’”๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’‘๐’๐’”๐’•๐’๐’๐’Š๐’Œ๐’ ๐‘ฉ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’“๐’š๐’‚๐’•๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’ sa katauhan ni ๐— ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐— ๐—ผ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—–๐˜‚๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฎ๐˜€, ๐——๐——, Setyembre 4, 2023.

Sa Calapan Port pa lamang ay matiyagang naghintay ang mga mananampalatayang katoliko na pinangunahan ng ๐‘ฌ๐’‘๐’Š๐’”๐’„๐’๐’‘๐’‚๐’ ๐‘ป๐’“๐’‚๐’๐’”๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ป๐’†๐’‚๐’Ž kasama ang ilang mga katutubo sa pagdating ng bagong Obispo.

Inabangan sa tabing kalsada ang pagdaan ng kanyang sinasakyan at upang masilayan ang kanyang presensya ay masayang kinakawayan ng mga residente, mga palatandaan na buong pusong tinatanggap si Bishop Cuevas ng mga Mindoreรฑo.

Bahagya mang naantala ang kanyang pagdating sa ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ ๐—˜๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ฐ๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€ (๐ต๐‘–๐‘ โ„Ž๐‘œ๐‘’๐‘  ๐‘…๐‘’๐‘ ๐‘–๐‘‘๐‘’๐‘›๐‘๐‘’) dahil sa masamang lagay ng panahon, ngunit sa kabila nito ay nanatiling masigla at buhay na buhay ang diwa ng mga naghihintay sa pagdating ng Obispo sa panibago niyang tahanan.

Sa welcoming program na isinagawa sa harapan ng Bishop’s Residence na matatagpuan sa Barangay San Rafael, Calapan City, ay isang payak na programa ang inihanda na sinaksihan ng mga kaparian, madre, lingkod-layko, mananampalataya at mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan tulad nina ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—”. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ at ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ kasama si ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ฐ๐—ถ.

Dito ay naunang ipinabatid ni ๐—™๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ฎ๐˜†๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐˜‚๐—ด๐—ฎ ang kasaysayan ng Residentia Episcopalis na mas kilala sa tawag na Bishop’s Residence na naipatayo noong ๐‘ด๐‘ช๐‘ด๐‘ณ๐‘ฟ๐‘ฟ๐‘ฟ๐‘ฐ๐‘ฐ ๐‘จ.๐‘ซ (1982) sa kapanahunan ni ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ.

Sa mensahe ni Governor Bonz ay kanyang ipinahayag ang taos-pusong pagtanggap sa Obispo na aniya’y regalo ng Diyos para sa lalawigan. Kanya ring sinabi na ang Pamahalaan at ang Simbahan ay magkalakhay na magkalakbay tungo sa kaligtasan ng mga Mindoreรฑo.

Si ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—ก๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ na dahil sa malubhang karamdaman na tumama kay ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ช๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ท๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ay naitalaga ng simbahan bilang Administrator ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan, Nobyembre 12, 2018 ay pansamantalang gumampan ng tungkulin ng isang Obispo sa loob ng limang taon ay nagpaabot ng pasasalamat sa ating Panginoong Diyos at sa Santo Papa sa pagkakaloob sa mga Mindoreรฑo ng Obispo na papalit kay Bishop Cajandig nang ianunsyo ng Vatican sa Roma noong Hulyo 29, 2023 kasabay ng kapistahan nina San Pedro at San Pablo na si Most Rev. Moises Cuevas na ang bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan.

Si Bishop Cuevas na ginawaran ng kanyang Sacerdotal Ordination noong Diyembre 6, 2000 at Episcopal Ordination noong Marso 19, 2020 ay nahirang bilang pang-apat na Apostolic Vicar of Apostolic Vicariate of Calapan subalit bago ito ay titular na Obispo ng Maraguia at Pantulong na Obispo ng ๐‘ด๐’†๐’•๐’“๐’๐’‘๐’๐’๐’Š๐’•๐’‚๐’๐’‚ ๐‘จ๐’“๐’Œ๐’Š๐’…๐’Š๐’š๐’๐’”๐’†๐’”๐’Š๐’” ๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚.

Naging buod ng mensahe ni Bishop Cuevas ang kahalagahan ng pagtatagpo at pagtanggap, aniya ang pagtanggap sa isa’t isa ay pagtanggap kay Hesus na siyang may dahilan ng pakikipagtagpo niya at mga Mindoreรฑo upang lalo pang lumawak ang misyong ipalaganap ang pakikipagtagpo ni Hesus sa lahat ng tao, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa mga ngalan ng kanyang motto na “๐‘ฝ๐’Š๐’“๐’ˆ๐’‚ ๐‘ป๐’–๐’‚ ๐‘ช๐’๐’๐’”๐’๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’ ๐‘ด๐’†๐’‚” ay buo ang tiwala ng kaparian at tanang mananampalatayang Mindoreรฑo sa taglay niyang natatanging kagalingan upang gumanap sa pagpapastol ng kawan na kanyang nasasakupan.

Bilang kinatawan ng mga Calapeรฑo ay ipinayag ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang buong kagalakan at malugod na pagtanggap sa bagong Obispo kasunod nito ang pagkakaloob ng ‘๐‘บ๐’š๐’Ž๐’ƒ๐’๐’๐’Š๐’„ ๐‘ฒ๐’†๐’š ๐’•๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ช๐’Š๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’’ na sumisimbolo sa bukal na pagtanggap at nagpapakita ng mataas na pagrespeto sa tungkulin at layunin ni Most Rev. Moises M. Cuevas bilang Punong Pastol ng relihiyong katoliko sa buong lalawigan.

Kasama din si Mayor Morillo sa pagsasagawa ng Canonical Possession para kay Bishop Cuevas. Ang Solemn Installation ni Bishop Cuevas ay gagawin sa darating Setyembre 6, 2023 na pangungunahan ni ๐—›๐—ถ๐˜€ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐— ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐˜„๐—ป, ๐——๐—— – ๐‘จ๐’‘๐’๐’”๐’•๐’๐’๐’Š๐’„ ๐‘ต๐’–๐’๐’„๐’Š๐’ ๐’•๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ท๐’‰๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’‘๐’Š๐’๐’†๐’”.