𝑳𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒎𝒎𝒚 at 𝑩𝒂𝒃𝒚 — Matagumpay na naisagawa ang inauguration and blessing ng 𝗕𝗘𝗠𝗢𝗡𝗖, ika-7 ng Disyembre na personal na pinangunahan ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.
“𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏”, ito ang naging laman ng mensahe ng Ina ng Lungsod sa isinagawang Inauguration and Blessing of BEMONC o 𝑩𝒂𝒔𝒊𝒄 𝑬𝒎𝒆𝒓𝒈𝒆𝒏𝒄𝒚 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒓𝒏𝒂𝒍 𝑶𝒃𝒔𝒕𝒆𝒕𝒓𝒊𝒄 & 𝑵𝒆𝒘𝒃𝒐𝒓𝒏 𝑪𝒂𝒓𝒆 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓, sa City Health Services Building, Brgy. Guinobatan.
Sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗗𝗿. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼-𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, at ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗻𝗰𝗲𝗲 𝗔𝗹𝗳𝗲𝗿𝗲𝘇 – 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗕𝗘𝗠𝗢𝗡𝗖, higit nang maseserbisyuhan ang taumbayan lalong higit ang mga mommies at babies sa pagbubukas ng nasabing pasilidad.
Sa pagkakaroon ng maayos na pasilidad gaya ng BEMONC, matitiyak ang kaligtasan ng mga nagbubuntis at manganganak na mga nanay sa lungsod ng Calapan.
Samantala, nagsagawa naman ng re-training ang mga kawani ng CHSD upang mas masiguro ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga taumbayan.
Lubos na naging matagumpay ang nasabing inagurasyon dahil narin sa pakikipagtulungan, partisipasyon at mainit na suporta ng lahat ng City Government of Calapan Doctors, PHO, PhilHealth at PDOHO.
Nakiisa rin sa naturang inagurasyon sina 𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝒉𝒂𝒍𝒂 𝑨𝒃𝒐𝑮𝒂𝒏𝒅𝒂 Atty. Jel Magsuci, 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝘆, mga BNS, BHW, at mga Midwives ng Calapan.